kape sa labas ng aming bahay
ang buhay na nahahati ng mga pinto.Imbak para sa Marso 14, 2009
grades ng mga gra-con
dati, kapag nakakakuha ng grade na 2.00 – dos – masaya ka na. dos eh, mataas na yun. kahit nga yata makatres, oks na. at least hindi yung nanggugulantang at nakakapanlumong singko.
pero ngayon? ibang-iba talaga. ang grade na 2 ay hindi pa sapat.
kapag nakatanggap ka ng 2 – automatic na yan.
una mamimigat ang talukap ng mga mata, mamumula. maya-maya lang, ayan na ang mga luhang tila ba nag-uunahang lumabas. kapag mas mababa naman sa dos, may kasama na yang hagulgol. mamamaga ang mga mata, magsisisi na sana pinagbutihan pa.
kanina nga, habang nakaupo ako sa harap ng teacher’s table, pinagmamasdan ko sila. lahat nanlulumo, lahat nalulungkot. kasi naman, sino ba naman ang matutuwa kapag bumaba ng halos 10 points ang grade diba? hindi ko naman din sila masisisi, kahit ako, nanghihinayang at nalulungkot din. sa mahal ba naman ng tuition at sa dami ng sakripisyo.
hayy. sa maraming pagkakataon, dumaan din ako sa pinagdadaanan nila. nakalihis lang siguro ako ng konti sa disappointment at pagkalungkot dahil pinagpaubaya ko na lahat kay God. every time na maaalala ko yung mga exams, quizzes at palpak na performance ko sa school, lagi lang ako nagppray sa Kanya. and hindi rin naman Niya ko pinapabayaan.
ang tugon lagi sakin ni God every time na magppray ako about school ay parang tulad lang ng narinig ko kanina –
It is not the APTITUDE that matters, it is the ATTITUDE.